Loading...
HomeMy WebLinkAboutOtay Discontinuation of Water Service Policy (Tagalog) OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 1 of 9 I. LAYUNIN Itong Patakaran na Pagtigil ng Serbisyo ng Tubig ng mga Delingkuwenteng Account (Patakaran) ay pinagtibay upang sundin ang mga batas tungkol sa pagtigil ng serbisyo ng tubig para sa mga residensyal na kostumer dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang bayarin sa tubig na kailangang bayaran batay sa Government Code § 60370 et seq. at Health & Safety Code § 116900 et seq. (California Senate Bill No. 998). II. BACKGROUND Ang California Senate Bill No. 998 ay nangangailangan ng urban osSistema ng tubig ng komunidad, na nagsu-supply ng tubig sa mahigit na 200 na koneksyon ng serbisyo, na magkaroon ng nakasulat na patakaran na nagpapatibay ng pagtigil ng residensyal na serbisyo ng tubig dahil sa hindi pagbabayad. Kung sakaling naging delingkuwente ang bayarin ng tubig, gagamitin ng Distrito ang Patakarang ito upang mangolekta ng mga account na delingkuwente, pati na rin ang mga pagpapaunawa, pagdagdag ng mga bayad, at pagtigil ng serbisyo. Ang Distrito ay maaaring tawagan sa telepono sa 619)670-2222 para talakayin ang mga opsyon para maiwasan ang pagtigil ng serbisyo ng tubig dahil sa hindi pagbabayad sa ilalim ng mga tema ng patakaran na ito. III. PATAKARAN PAGPAPADALA, TAKDANG PETSA NG PAGBABAYAD, AT HULING PETSA NG PAGBABAYAD NG STATEMENTS NG MGA BAYARIN PARA SA SERBISYO A. Pagpapadala ng mga Statements. Ang mga statements para sa serbisyo ng tubig o iba pang mga singil ay ipadadala sa koreo o ibibigay sa pinakamadaling oras pagkatapos na basahin ang metro ng tubig at lahat ng mga naaangkop na bayarin ay nabasa na. B. Takdang Petsa ng Pagbabayad. Ang bawat isang statement na ipinadala ng Distrito para sa mga bayarin ay nakatakda at dapat bayaran sa petsa ng pagpapadala sa koreo o ibang paraan ng pagbibigay sa kostumer. C. Huling Petsa ng Pagbabayad. Lahat ng bayarin sa bawat isang statement ay dapat bayaran sa o bago sa huling petsa ng pagbabayad na nakasulat sa statement, na dapat ay hindi lalampas ng 20 araw ng kalendaryo kasunod ng pagpapadala sa koreo o pagbigay ng statement sa kostumer. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 2 of 9 D. Bayad sa Singil. 1. Lugar ng Pagbayad. Ang mga bayad ay hindi muna ike- kredito sa account ng kostumer hanggat hindi natatanggap ang cash, tseke, credit card, draft, electronic funds transfer, money order, o iba pang mga angkop na bayad na tinatanggap ng banko ay natanggap ng Distrito sa opisina ng Distrito sa regular na oras ng trabaho. Ang pagpapadala ng bayad sa pamamagitan ng koreo o sa ibang lugar na hindi opisina ng Distrito ay hindi ike-kredito sa account ng kostumer hanggat hindi ito natatanggap sa opisina ng Distrito. 2. Singil sa Tsekeng Tumalbog. Idadagdag ang returned payment charge (tingnan ang Appendix A, 34.01 D.2. para sa singil) sa account ng kostumer sa bawat isang insidente kung saan ang bayad sa Distrito ay tseke, draft, credit card, o anumang angkop na bayad na hindi binayaran ng bangko kung saan ang bayad ay naka-bangko. MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE A. Sa Hindi Pagbabayad ng mga Singil. Kung ang buong halaga na nasa statement ng serbisyo ng tubig ay hindi natanggap sa opisina ng Distrito sa o bago sa huling petsa ng pagbayad, ang account ay magiging delingkuwente sa araw kasunod ng huling araw ng pagbayad. B. Singil sa Atrasadong Pagbayad. Isang late payment charge (sumangguni sa Appendix A, policy 54 para sa halaga) ang idadagdag sa account na delingkuwente mula sa petsa kung kalian naging delingkuwente ang account, at ang nabanggit na charge(s) ay magiging bahaging hindi mapaghihiwalay sa halagang dapat bayaran mula sa araw na yon. Ang late payment charge ay hindi maaaring idagdag sa anumang account na walang natitirang balanse na delingkuwente. C. Notice of Delinquency. Ang Notice of Delinquency ay ipapadala sa sulat sa bawat isang kostumer na may delingkuwenteng account. Ang Notice of Delinquency ay magpapaunawa sa kostumer na ang serbisyo ay isasara at ititigil hangga’t hindi natatanggap ang bayad. Nakalagay sa Delinquency Notice ang halaga na kailangang bayaran, pati na rin ang mga late payment charges, at ang buong halaga ay dapat bayaran sa loob ng tatlumpong (30) araw ng kalendaryo mula sa petsa ng pagpadala ng sulat o pagbigay ng Delinquency Notice sa kostumer, o ang serbisyo ay ititigil. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 3 of 9 D. Talaan ng mga Delingkuwenteng Account. Ang Distrito ay magpapanatili ng mga talaan ng mga delingkuwenteng account. Bawat isang taon, tatanggalin ang isang nakatalang delingkuwente sa bawat isang account na may isa o mahigit pang delingkuwente. E. Hindi-buong Bayad sa Delingkuwenteng Account. Ang hindi- buong bayad (partial payment) sa delingkuwenteng account ay maaaring tanggapin at i-kredito sa account ng kostumer. Gayunpaman, ang hindi-buong bayad ay hindi sapat para matanggal ang account sa status na delingkuwente at higit pa man, ang partial payment ay hindi sapat para maiwasan ang pagsara ng metro dahil sa pagiging delingkuwente. F. Pinansyal na Pakikipag-ayos para sa mga Delingkuwenteng Account. 1. Pagpapatuloy ng Serbisyo. Ang General Manager, Chief Financial Officer, o sinumang tao na itinalaga ng General Manager, ay maaaring magpahintulot sa pagpapatuloy ng serbisyo ng delingkuwenteng account kung ang pinansyal na pakikipag-ayos (financial arrangements) ay napagkasunduan at tinangap ng Distrito. 2. Pangangailangan ng Deposito Dahil sa Pauli-ulit na Pagiging Delingkuwente. Pag ang bayad sa account ng kostumer ay naging delingkuwente ng lima o mahigit pang beses, o kung isinara ang metro ng tatlo o mahigit pang beses dahil sa hindi pagbabayad, ang General Manager, Chief Financial Officer, o sinumang tao na itinalaga ng General Manager, ay maaaring humingi ng deposito sa kostumer na ibabayad sa Distrito sa pamamagitan ng cash, o iba pang paraan ng pagbayad na kasiya-siya sa General Manager. Ang halaga ng deposito ay batay sa diskresyon ng General Manager at ng Chief Financial Officer ngunit hindi hihigit sa dawalang beses sa pinakamataas na buwanang singil sa loob ng labindawalang (12) buwan bago sa petsa ng paghingi ng deposito. a. Paghawak ng Deposito. Ang deposito para sa delingkuwenteng account ay hindi kikita ng interes at maari lamang gamitin para pababain o bayaran ang halagang dapat bayaran sa Distrito kung mangyaring ang serbisyo ay itinigil. Ang deposito ay hindi bayad sa halaga ng serbisyo at ang kostumer ay kakailanganing sumunod sa mga pangangailangan sa pagbabayad ng singil para sa tuloy-tuloy na serbisyo. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 4 of 9 b. Pagbalik ng Deposito. And depositong kinailangan sa ilalim ng Seksyon na ito ay ibabalik sa kostumer tulad ng nakapahayag sa Section 25.04.A. G. Mga Lien sa mga Pag-aari dahil sa mga Delingkuwenteng Bayarin Sa pagpadala ng nakasulat na notisya sa may-ari, maaaring maglagay ng lien sa pag-aari dahil sa mga singil na hindi nabayaran. Isa o dalawang pamamaraan ng paglalagay ng lien ang maaring gamitin: 1. Judgement Lien. Kung sakaling anumang singil sa tubig o iba pang serbisyo ay nanatiling hindi nabayaran, ang halaga ng hindi nabayarang singil ay maaaring kunin kahit anong oras sa diskresyon ng Distrito sa pamamagitan ng pagsampa ng recording sa opisina ng county recorder, isang sertipiko na tumutukoy sa halaga ng mga singil at ang pangalan at address ng taong mananagot sa singil. Ang lien ay idadapat sa lahat ng pag-aari sa loob ng county ng pag-aari o anumang nakuhang pag-aari ng tao na may delingkuwenteng account. Ang naturang lien ay may puersa, prioridad, at epekto ng judgement lien, at magpapatuloy ng 10 taon simula sa petsa ng filing, maliban na lang kung naalis o i-discharge ng mas maaga. Ang lien ay maaring pahabain, sa loob ng 10 taon mula sa filing ng sertipiko o sa loob ng 10 taon mula sa huling petsa ng pinakahuling ekstensyon ng lien, sa pamamagitan ng pag-file ng bagong sertipiko sa opisina ng county recorder. Lalagyan ng isang lien processing fee ang account na nilagyan ng lien (tingnan ang Appendix A, policy 54 para sa halaga). 2. Tax Lien. Ang mga hindi nabayarang singil o halaga na hindi bababa sa 60 araw na lampas sa petsa ng bayad sa July 1, ay maaaring maging bahagi ng taunang buwis na ipinapataw sa pag-aari kung saan ibinibigay ang serbisyo. Sa karagdagan, pag ang mga singil ay nanatiling hindi bayad sa ika-isa ng Hulyo (July 1), ang outstanding charges, pati na rin ang delingkuwenteng tax roll fee (tingnan ang Appendix A, policy 54 para sa halaga) ay idadagdag sa “secure tax roll” ng County ng San Diego para sa koleksyon. Itong mga naturang pamamaraan ng paglalagay ng lien ay karagdagan sa patakaran sa pagputol ng serbisyo. H. Ang Pagtigil at Pagbabalik ng Serbisyo ng Tubig ng mga Delingkuwentend Account OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 5 of 9 1. Pagtigil ng Serbisyo. Pag ang bayad ay hindi natanggap ayon sa Delinquency Notice, at ang account ay nanatiling hindi bayad ng hindi bababa sa 60 na araw, ang serbisyong residensyal ay maaaring ipatigil. Ang metro ng tubig o mga metro sa naturang delingkuwentend account ay maaring isara at ikandado. a. Makikipag-ugnay ang Distrito sa kostumer na nakapangalan sa account sa pamamagitan ng telepono o nakasulat na notisya ng hindi bababa sa pitong (7) araw ng trabaho bago ipatigil ang serbisyo. b. Ang Distrito ay gagawa ng resonableng pagsisikap na makipag-ugnay sa isang adultong nakatira sa lugar na nakalagay sa account sa pamamagitan ng telepono o personal, na hindi bababa sa 48 na oras bago sa pagtigil ng serbisyo. Ang isang delinquency tag fee ay ipapatong (tingnan ang Appendix A, policy 54 para sa singil) sa bayarin kung ang pag-kontak sa kostumer ay ginawa ng personal. 2. Patakaran para sa mga Nakatira o mga Nangungupahan para maging kostumer ng Distrito a. Saklaw. Ang seksyon na ito ay naaangkop lamang kung ang may-ari, landlord, manager, o tagapamahala ng residensyal na address ng serbisyo ay naka-lista na kostumer na nakatala at pinadalan ng paunawa ng pakay na itigil ang serbisyo ng tubig dahil sa hindi pagbabayad. b. Kung ang may-ari o manager ay inilista ng Distrito na customer of record ng serbisyo, ang Distrito ay, sa mabuting layunin, magsisikap na ipaalam sa mga aktuwal ng tagagamit ng serbisyo kung ang account ay atrasado sa pamamagitan ng Notisya ng Terminasyon ng Serbisyo na ang serbisyo ay puputulin sa loob ng sampung araw. c. Pagsang-ayon sa mga Tema at Kondisyon ng Serbisyo ng Distrito. Ang Distrito ay magbibigay ng paggamit ng serbisyo sa mga aktuwal na residensyal na tirahan kung ang bawat-isang nakatira ay sumang-ayon sa mga tema at kondisyon ng serbisyo at tumugon sa mga pinangangailangan ng mga patakaran at regulasyon ng Distrito. Bagaman, kung ang isa o higit pang mga nakatira ay pumawag at maaring gampanan ang responsibilidad pasa sa OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 6 of 9 mga susunod na halaga ng singil sa account sa kasiyahan ng Distrito, ang Distrito ay magpapagamit ng serbisyo sa mga nakatira na tumugon sa mga kinakailangan. d. Beripikasyon ng Pag-upa. Para iurong ang halaga ng singil ng delingkuwenteng account,ang nakatirang kostumer ay kailangang magpatunay na ang costumer of record ay ang landlord, manager, o ahente ng tirahan. Ang beripikasyon ay maaaring kasama ang, pero hindi limitado sa, lease o rental agreement, resibo ng bayad sa renta, dokumento ng gubyerno na nagpapakita na ang nakatira ay umuupa sa tirahan, o impormasyon na nakasiwalat batay sa Section 1962 ng Civil Code, sa diskresyon ng Distrito. 3. Ang residensyal na serbisyo sa tubig ay hindi puputulin dahil sa hindi pagbabayad sa anumang mga sumusunod na situwasyon: a. Habang ini-imbestigahan ng Distrito ang pagtatalo o reklamo ng kostumer. Ang kostumer na nagsimula ng reklamo o humiling ng imbestigasyon sa loob ng limang araw pagkatanggap ng singil na inire- reklamo o , sa loob ng 13 araw pagkapadala ng notisya na ang serbisyo ng kostumer ay puputulin dahil sa hindi pagbabayad, o humingi ng ekstensyon ng panahon ng pagbabayad ng singil na hindi kayang bayaran ng buo ng kostumer sa normal na panahon ng pagbabayad, ay bibigyan ng pagkakataon na suriin ng General Manager, Chief Financial Officer, o sinumang tao na itinalaga ng General Manager. Ang review ay isasaalang-alang kung maaring payagan ang kostumer na i-amortize ang hindi pa nababayarang balanse ng account sa makatwirang haba ng panahon, na hindi lalampas ng 12 buwan. Walang mga kostumer ang maa-apektuhan ng pagtigil ng serbisyo kung sila ay sumunod sa amortization agreement, kung ang kostumer ay nagbabayad at hindi naaatraso sa pagbabayad ng account habang ang mga singil ay naiipon sa bawat isang sumusunod na panahon ng pagsingil. Ang kostumer na ang reklamo o kahingilan ng imbestigasyon ay nag-resulta sa salungat na determinasyon ng Distrito, ay maaaring mag-appeal sa Board. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 7 of 9 b. Kung ang kostumer ay binigyan ng ekstensyon sa panahon ng pagbabayad ng singil. c. At saka din, ang Distrito ay hindi magpapatigil ng serbisyo ng tubig kung ang lahat ng mga sumusunod na kondisyon ay tinugon: 1. Ang kostumer, o ang nangungupahan ng kostumer, ay nagbigay ng sertipikasyon galing sa primary care provider, dahil ang mga tema nito ay nakapahiwatag sa subparagraph (A) ng paragraph (1) ng subdivision (b) ng Section 14088 ng Welfare and Institutions Code, na ang pagputol ng serbisyo ng tubig ay peligro sa buhay o nagbibigay ng malubhang panganib sa kalusugan at kaligtasan ng nakatira sa tirahan; at a. Ang kostumer ay hindi kayang magbayad sa panahon ng normal na billing cycle. Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng: Ipakita na may nakatira sa tirahan na tumatanggap ng isa sa mga sumusunod na programa: • CalWorks • CalFresh • General assistance • Medi-Cal • Supplemental Security Income/State Supplementary Payment Program • California Special Supplemental Nutrition Program for Women, Infants, and Children • O nagpahayag sa ilalim ng parusa ng perjury na ang kita ng sambahayan ay mas mababa sa 200% ng federal poverty level; at b. Ang kostomer ay pumayag na pumasok sa isang alternative payment arrangement, kasama na rin ang ekstensyon, amortization, o ibang iskedyul ng pagbabayad kaugnay ng mga halagang delingkuwente. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 8 of 9 c. Sa mga kostumer na tumugon sa mga kondisyong a. at b. sa itaas, magbibigay ang Distrito ng isa sa mga sumusunod na opsyon, na pipiliin sa diskresyon ng Distrito: (i) ekstensyon ng pagbabayad, (ii) amortization ng balanseng hindi pa nababayaran o (iii) ibang iskedyul ng pagbabayad. d. Pagputol ng Serbisyo. 1. Kung ang kostumer ay nabigong sumunod sa pinagkasunduang amortization, ibang iskedyul ng pagbabayad, ekstensyon ng pagbabayad na 60 na araw o mahigit pa, o kung ang kostumer ay hindi nagbayad ng kanyang residensyal na singil sa serbsiyo sa panahong hindi bababa sa 60 na araw, ang serbisyong residensyal ay maaaring itigil ng hindi bababa ng limang (5) araw ng trabaho pagkatapos ilagay ng Distrito ang “final notice of intent to disconnect services” sa isang prominente at madaling makitang lugar sa tirahan. Maglalagay ng “delinquency tag fee” (tingnan ang Appendix A, policy 54 para sa singil) sa singil pag ang notisya ay ibinigay ng personal. 2. Ang pagtigil sa sarbisyo ay hindi mangyayari sa Biyernes, Sabado, Linggo, piyesta opisyal, o anumang oras king ang opisina ng Distrito ay hindi bukas sa publiko. 4. Pagbabalik ng Serbisyo. Ang pagbabalik ng serbisyo ay mangyayari sa normal na araw ng trabaho ng Lunes hanggang Biyernes 8:00am at 5:00pm. Ang serbisyo ng tubig na itinigil dahil delingkuwente ay hindi ibabalik hangga’t lahat ng halagang hindi nabayaran, pati na rin ang late payment charges at singil sa kandado, ay binayaran sa opisina ng Distrito, o kung nakipag-ayos ng credit na kasiya-siya sa Distrito ay napagkasunduan. Ang mga account na ang bayad ay natanggap sa opisina ng Distrito pagkatapos ng 4:30 pm ay maaaring hindi ibalik ang serbisyo hanggang kinabukasan. 5. Meter Lock Charge. Isang lock charge ang idadapat sa account na itinigil dahil sa hindi pagbabayad. Ang singil sa pagtigil ng serbisyo ay nakalagay sa Appendix A, 34.02 C. OTAY WATER DISTRICT PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS Paksa Policy Number Petsa na Pinagtibay Petsa na Binago PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA ACCOUNT NA DELINGKUWENTE 54 1/1/2020 Page 9 of 9 Sanggunian A. California Water Code div. 1, ch. 1, § 106.3 B. California Health & Safety Code, div. 104, part 2, ch. 6, § 116900 et seq. (SB 998 [2018]) C. California Government Code, tit. 6, div. 1, § 60370 et seq. D. California Civil Code div. 3, part 2, title 2, § 1632