OTAY WATER DISTRICT

PATAKARAN NG BOARD OF DIRECTORS

Paksa Policy

Number

Petsa na

Pinagtibay

Petsa na

Binago

PAGTIGIL NG SERBISYO NG TUBIG NG MGA

ACCOUNT NA DELINGKUWENTE

54 1/1/2020

Page 1 of 9

I. LAYUNIN

Itong Patakaran na Pagtigil ng Serbisyo ng Tubig ng mga

Delingkuwenteng Account (Patakaran) ay pinagtibay upang sundin ang mga

batas tungkol sa pagtigil ng serbisyo ng tubig para sa mga residensyal

na kostumer dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang bayarin sa tubig na

kailangang bayaran batay sa Government Code § 60370 et seq. at Health

& Safety Code § 116900 et seq. (California Senate Bill No. 998).

II. BACKGROUND

Ang California Senate Bill No. 998 ay nangangailangan ng urban

osSistema ng tubig ng komunidad, na nagsu-supply ng tubig sa mahigit

na 200 na koneksyon ng serbisyo, na magkaroon ng nakasulat na

patakaran na nagpapatibay ng pagtigil ng residensyal na serbisyo ng

tubig dahil sa hindi pagbabayad. Kung sakaling naging delingkuwente

ang bayarin ng tubig, gagamitin ng Distrito ang Patakarang ito upang

mangolekta ng mga account na delingkuwente, pati na rin ang mga

pagpapaunawa, pagdagdag ng mga bayad, at pagtigil ng serbisyo. Ang

Distrito ay maaaring tawagan sa telepono sa 619)670-2222 para

talakayin ang mga opsyon para maiwasan ang pagtigil ng serbisyo ng

tubig dahil sa hindi pagbabayad sa ilalim ng mga tema ng patakaran na

ito.

III. PATAKARAN

PAGPAPADALA, TAKDANG PETSA NG PAGBABAYAD, AT HULING PETSA NG PAGBABAYAD

NG STATEMENTS NG MGA BAYARIN PARA SA SERBISYO

A. Pagpapadala ng mga Statements. Ang mga statements para sa

serbisyo ng tubig o iba pang mga singil ay ipadadala sa

koreo o ibibigay sa pinakamadaling oras pagkatapos na

basahin ang metro ng tubig at lahat ng mga naaangkop na

bayarin ay nabasa na.

B. Takdang Petsa ng Pagbabayad. Ang bawat isang statement na

ipinadala ng Distrito para sa mga bayarin ay nakatakda at

dapat bayaran sa petsa ng pagpapadala sa koreo o ibang

paraan ng pagbibigay sa kostumer.

C. Huling Petsa ng Pagbabayad. Lahat ng bayarin sa bawat isang

statement ay dapat bayaran sa o bago sa huling petsa ng

pagbabayad na nakasulat sa statement, na dapat ay hindi

lalampas ng 20 araw ng kalendaryo kasunod ng pagpapadala sa

koreo o pagbigay ng statement sa kostumer.